Binabati Kita

Binabati Kita

Malayo na ang narating mo!
Ang tagal mo ring hinintay ito!
At ngayong narito ka na sa pinapangarap mong marating,
halika’t makinig, sa aking hinandang talumpati.

Pasensya na kung may kahabaan ah?
Ilang taon ko rin itong inipon, dahil alam kong nagkakaroon lamang ako ng lakas ng loob kapag huli na ang lahat. Nang sa gayon, mas ramdam ang pagkakabigkas. At mas madadama mo ang bawat pighati, sa mga salitang aking sasabihin.

Simulan natin sa isang umagang kay ganda, kay ganda, dahil nasilayan ka. Ang iyong matangos na ilong, payat na pangangatawan, mahabang buhok at astig na lakad.

Naaalala ko pa noon, ikaw ang hudyat ng panibagong subject ko! Dahil alam kong paglalabas ka na ng kwarto, saktong klase naman namin. Ang galing ‘no? Kahit sa mga ganitong simpleng bagay, kumukonekta ako sa iyo.

Tulad ng pakakapareho natin ng initials, at pagkakapareho ng bilang ng letra sa pangalan natin –21! Sa mga ganitong kalokohan, napaniwala ko ang sarili ko na baka naman darating ang takdang panahon at tayo pala talaga sa isa’t isa! Simula nang araw na iyon, pinag-igihan ko ang lahat.

Sumali ako sa kung anu-anong contest para lang mapansin mo. Kumanta ako, sumayaw, umarte, nag-drawing na rin ako’t nakipagdebate. Sabi nga ng ibang tao sobrang talented ko raw. Buti pa ang ibang tao napapansin ako. Ikaw ba? May balak ka pa bang pansinin ako?

Ako at ang braces ko?
Ako at ang kayumanggi kong balat?
Ako at ang kulot kong buhok?
Ako at ang cute kong height?
Ako at ang bulol kong pananalita lalo na kapag nakikita ka?
Ako at ang pagmamadali ko kada makakasalubong  ka?
Ako at ang paglike ko sa bawat status mo sa facebook?
Ako at ang nararamdaman ko para sa’yo?
Ako at ang pagtanging kinimkim ko sa loob ng tatlong taon?
Ako at ang pagsunod ko sa’yo sa bawat sulok ng paaralang ito?
Ako at ang pangarap kong mahalin mo rin, kahit alam kong wala akong pag-asa sa iyo?
Ako at ang pagkadurog ko sa tuwing makikitang kong magkayakap kayo?
Ako at ang tahimik na pag-iyak sa tuwing mariring kong tinatawag mo ang pangalan niya?

Bakit ba hindi mo ako napansin?
Bakit ba hindi mo ako kayang pansinin?
Hindi pa ba sapat ang tatlong taong pag-ikot ng mundo ko sa iyo para malaman mong gagawin ko ang lahat para sa iyo?
Hindi ko kasi maintindihan! Dapat kasi sa akin ka!!

Dapat kasi ako ang niyayakap mo, at sa akin mo sinasabi lahat ng sinasabi mo sa kanya pero putang ina! Kailangan kong gumising sa katotohanan na imposible ‘to.

Ano nga bang panama ko sa nobya mo eh talented lang naman ako?
Ni hindi nga ako maganda eh!
Ni minsan nga’y walang lumapit sa aking lalaki’t sinabihan ako ng “Neng, ay kaganda mo”
Hindi tulad ng nobya mong napapalingon lahat ng lalaking nakapalibot sa kanya.
Alam mo, sobrang swerte niya. Siya ‘yong nakinabang sa isang taong tatlong taon kong pinagpaguran. Alam ko namang nagpagod ka rin sa kanya, kaya binabati kita.

Sana maging masaya ka.

Sana napasaya ka niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: