Sa’yo na lang ako.

Sa’yo na lang ako.

Gusto mo sa’yo na lang ako? Seryosong alok ito!
Medyo marami nga lang palya at malayo sa gusto mo.
Pero pangako, maga-adjust ako sa kung ano ang gusto at kailangan mo.
Kaya, baka maisipan mo lang. Gusto mo sa’yo na lang ako?

Sa’yo na lang ako? Oo! Totoo ang sinasabi ko.
Bagama’t maraming sira sa akin,
Ikaw lang din naman ang makakapag-ayos ng mga ito.
Iyong utak kong ikaw lang iniisip;
Itong bibig kong ikaw lagi ang binabanggit;
Mga mata kong ikaw lang ang laging sinisilip;
At puso kong noon pa man ay ikaw na ang hinihirit.
Hindi ka kailanman malulugi dito,
Kaya kung gusto mo, eh sa’yo na lang ako.

Sa’yo na lang ako, nakakapagod pala ‘to.
Nakakapagod palang magmakaawa na maging akin ka.
Pati magkunwaring mas karapat-dapat ako kaysa sa kanya,
‘Yong isigaw ko sa iyong kailangan kita
At ipamukha ko sa iyo na kaya kong gawin lahat ng hindi niya kaya.
Pakiusap, sa ‘yo na lang ako.

Sa’yo na lang ako. Pagud na pagod na ako.
Hindi ko alam kung bakit kailangan kong maghabol sa’yo.
Hindi ko alam kung bakit kailangan kong masaktan ng ganito.
Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman sa iyo.
Lalo na’t hindi ko alam kung bakit ikaw sa lahat ng tao sa mundo.
Pero ipagkakaloob ko sa iyo ang sarili ko.
Sa’yo na lang ako.

Sa’yo na lang ako, uulit-ulitin ko hangga’t magsawa ka.
Pero hindi ako titigil hangga’t hindi mo tinatanggap.
Sa’yo na lang ako! Kasi hindi ko na kaya.
Hindi ko na kayang itago pa itong kabog sa dibdib ko;
Hindi ko na kaya pang pauli-ulitin pa ang mga salitang ito sa utak ko.
Alam kong negatibo rin naman ang kalalabasan
Pero mas ayos na iyon kaysa iimbak ko nang pagkatagal-tagal
Ang katotohanang mahal kita
At pakiramdam ko sinasaksak ako sa tuwing tinitignan kitang
Ngumingiti tuwing maririnig ang pangalan niya.

Ayos nang sabihin ko sa iyong nakakaramdam ako ng matinding kirot
Kada iisipin kong “Ang tanga ko! Wala namang hinihintay, pero ba’t naghintay ako?”
Kada sasampalin ako ng katotohanan, na araw-araw kong iniiyakan,
Kahit ano palang pagsigaw, pagwawala, pagsusunog ng kung anuman wala rin pala.
Kahit ilang text message ang ipadala,
Kahit ilang litrato mo pa ang pusuan ko, hindi magiging akin ang puso mo,
kahit ilang post mo pa ang ilike ko, I will never ever be the one you like.

Kaya sa’yo na lang ako, ayoko na sa sarili ko.
Sa’yo na lang ako.
Kahit pa iyo siya, o kanya ka.
Wala na akong pakialam kung sinong nagma-may-ari ng kung sino.
Ha! Wala na rin akong pakialam kahit hindi ka maging akin.
Hindi na ako magmamakaawa maging akin ka.
Basta sa’yo na ako. Sa huling pagkakataon,

Hindi na ito tanong.

Sa iyo na ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: