Huwag na Lang

Huwag na lang

 

Naaalala ko pa ang mga panahong hindi ako makatulog at makakain dahil sa sobrang saya.
Iyong tipong hindi ko na kailangan ng kape para lang magising nang hanggang alas tres ng madaling araw,
Isang text mo lang na may kasamang puso’y okay na ako,
Samahan mo pa ng pamatay mong ngiti at yakap na hinahanap-hanap ko.

Hanggang ngayo’y tanaw pa rin ang matatamis na mga ngiti,
Ng mga labing walang ibang ginawa kung hindi sambitin ka araw at gabi.
Naitatago pa rin ang mga liham ng matamis mong mga paalam,
Pagkat tiwalang kinabukasa’y ikaw ay matatanaw pa,
Pagkat tiwalang kinabukasan, ako’y mahal pa.
Kaya mahal, hindi ko matanto, ano bang dahilan mo?
Bakit ang pagmamahal na noo’y namamagitan,
Pinalitan ng sakit, pakamuhi, at ilang?
Mahal, ito ba ang pag-ibig na sinasabi mo?
Ang iparamdam sa isang taong mahalaga siya saka iiwanan sa ere dahil napagtanto mong hanggang ‘mahalaga’ lang siya?

Mahal, naaalala pa kita.
Mukhang matagal pa bago malimutan ka.
Bagama’t naisipan mo nang bumitaw na,
Mas lalo ata akong nasakal sa sakit na nadarama.

Bagama’t masakit, hindi ko itatanggi ang nararamdaman dahil hanggang ngayon nagdurugo pa rin ang puso sa sinapit niya.
Pakiusap, huwag mo na akong kausapin.
Huwag mo nang ipaliwanag ang nangyari,
Dahil alam kong matapos mong magpaliwanag bibigyan kita ng solusyon para sa mga naging problema.
Alam kong matapos ng pag-uusap nating dalawa hindi ko hahayaang hindi ito maresolba.
Kaya sinta, huwag ka nang magpaliwanag.

Huwag ka ring humingi ng tawad,
Dahil alam kong ang ibig sabihin ng tawad mo’y tinatanggap mo nang tapos tayo.
Huwang kang humingi ng tawad, pagkat hindi kita patatawarin.
Dahil alam kong ito lang ang hinihintay mo para tuluyan ka nang mawala sa aking piling.

Mahal, huwag kang magpapakita sa akin,
Huwag mong ipakita sa akin na masaya ka, huwag mong ipakita sa aking ayos ka.
Huwag mong ipamukha sa aking miserable ako, at kaya mong mabuhay ng wala ako.
Maging patas tayo. Dapat patas tayo.
Kung desperado ako, dapat ikaw rin,
Kung nasasaktan ako, dapat ikaw rin,
Kung umiiyak ako, dapat ikaw rin,
Saka ka na humanap ng iba, kapag okay na tayong dalawa.
Huwag ka namang madaya.
Huwag namang mahal pa rin kita, tapos ikaw nakahanap na ng iba.

Pakiusap, huwag mo muna akong limutin hangga’t naiisip pa kita.
Huwag ka munang magmahal ng iba hangga’t mahal pa rin kita.
Ito na ang huling pagkakataon mo para tumupad sa isang pangako.

Naalala ko pa ang mga panahong hindi ako makatulog sa gabi dahil sa ligayang nadarama, iyong tipong isang text mo lang, mulat na ako hanggang madaling araw.
Ngayon? Pinipilit matulog dahil sa lungkot na nadarama.
Nangungulila pa rin sa mga matatamis na ngiti’t mga yakap.
Binabasa pa rin ang mga liham ng matatamis mong paalam,
Ang tanging tugon ay ang mga luhang sinasalo ng aking mga unan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: