Sa Kanyang Walang Alam

Sa Kanyang Walang Alam

Ang liham na ito ay para sa kanya.
Sa isang dalagang tila sinusubok mo ang pasensya,
Isang dalagang ni minsa’y ‘di ata sumagi sa’yong konsensya.

Ang liham na ito ay para sa kanya;
Sa kanya at sa mga mata niyang nagniningning kapag kasama ka;
Sa kanya at sa sayang nararamdaman niya dahil ika mo nga’y ‘mahal mo siya’,
Ang liham na ito ay para sa kanya, nawa’y hindi niya matanggap nang hindi sadya.

Nais kong malaman niyang may ibang naghihintay sa kanya,
Ngunit iba ang tibok ng puso niya nang makilala ka.
Maswerte ka’t ikaw ang pinili niya sa lahat ng mga pursigido,
Bagama’t takot, pinaramdam mo na sa kanyang siya ay sigurado;

At hindi dapat mangamba dahil para sa kanya, kahit ano’y handa ka,
Handa kang magtago, handa kang magsinungaling, handa kang siya’y lokohin.
Handa kang itago ang totoo, huwag lang ipadama sa kanya ang sakit;
Huwag lang malaman niya ang katotohanang itinatago mo sa iba.

Nais kong malaman niyang isa siyang diyamante sa ibang tao,
Ngunit tila nagmumukhang payaso kapag niyayakap mo.
Hindi mo lang alam kung gaano siya pinahahalagahan ng karamihan,
Dahil abala ka sa pag-angkin sa kanya, abala ka rin sa pag-angkin sa iba.

Mahal mo siya, wika mo, mahal ka rin niya,ang alam ng lahat ng tao,
Hanap mo’y iba, alam namin ito, halata sa mga pahapyaw na haplos mo;
Kitang-kita sa ningning ng mga mata mong sumusunod sa galaw niya,
Mga ningning noon ko lamang nakita noong minahal ka niya.

 Ang liham na ito ay para sa kanya, at para sa kung ano ang totoo,
Ang totoong nararamdaman mo, at ang totoong halaga niya sa’yo.
Ang totoong pinatutungkulan mo kapag nag-aamok ka tungkol sa nararamdaman mo,
At ang totoong ginagawa mo, kapag hindi siya nakatingin sa iyo.

Mahal ka niya ng buong puso, pero sana hayaan ka na niya,
Hindi siya karapat-dapat sa sakit na dulot ng iyong kalokohan,
Walang sinuman ang dapat maloko ng kung sinuman,
Walang sinuman ang dapat maloko ng kung sinuman,
Lalo na kung para ito sa sarili mong kapakanan, pawang kasakiman.

Mahal mo siya, ito’y sinabi mo, mahal mo siya, nagwagi ka’t napaniwala mo.
Ito na siguro ang tamang panahon na siya’y palayain mo, pati na rin ang sarili mo
Masaktan mo man siya’y dapat niyang malaman ang totoo,
Kung mahal mo talaga siya’y, hayaan mo siyang malaman ang totoo.

Ang liham na ito ay para sa kanya, at sa kanyang damdamin.
Bago pa niya mabasa’y, pakiusap, iyo nang sabihin.
Hindi maaaring mahal mo siya’y, ngunit pag-ibig ay ipinaparamdam rin sa iba,
Hindi pwedeng ikaw ay masaya, ngunit siya’y pinagtatawanan na.

Ang liham na ito ay para sa kanya, at para sa mga lihim mo.
Lihim mong pagtingin sa ibang tao ‘di aakalain ng ibang tao.
Ang liham na ito ay para sa kanyang walang alam,
Walang kamalay-malay na nobyo niya’y nanunuyo ng nobyong pang-kanya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: