Dapat

Pasensya na, alam kong madaling araw na
Malamang sa malamang ay nanonood ka na naman ng pelikula
O kung hindi naman ay naglalaro ng DOTA
O kung anuman, pasensya at iistorbohin muna kita
Tulad ng ginagawa ko kapag hindi ako makalma
Kinakakausap kita, kahit alas dos na ng umaga
Makapag-amok lang, kasi pakiramdam ko ako’y sasabog na
Pero sa awa ng Diyos, tinitiis mo ‘ko’t nasagot ka
Kahit pakiramdam ko dahil sa awa na lang sinasambit ng iyong dila

Pasensya na talaga, alam kong unti na lang, inis ka na
Pero, ayos lang naman ‘di ba? Kasi kaibigan kita
At tulad nga ng sinabi mo, lagi kang andiyan. ‘Di ba?
Hayaan mo, pipilitin kong abusuhin ko na ang sinabi mong iyan
Dahil sigurado akong pagkatapos nito, wala ka na rin diyan

Pasensya na talaga. Pasensya na talaga.
Hindi na kasi ako makahinga pa
Kung kani-kanino na ako lumapit, hindi ako makalma
Kaya sa iyo ko na ito sasabihin, para rin matapos na
Dahil ikaw lang din naman ang sanhi ng kaba’t pagkabaliw kong ‘to
Isang salita lang mula sa iyo, pangako, kakalma at titino ako.

Alam kong matagal-tagal na rin, pero baka magulat ka sa sasasabihin ko
Alam mo bang isa ka sa pinakanagpasaya ng mga taon ko dito
Alam kong may kulang kapag hindi tayo nakapagpanagpo
Alam kong may mali kapag hindi ko naging kaibigan ito

At sa totoo lang! Solid! Naging magkaibigan nga tayo.
Pero, huwag mong isipin na kinaibigan kita dahil sa rason na ito.
Kinaibigan kita dahil natutuwa ako sa katulad mo
Akalain mong pilyo rin pala ang tatahi-tahimik na ito.
May libre pang payakap at palibre, pag napansin niyang malungkot ka
Babanat pa iyan ng kanta kapag badtrip na badtrip ka na

Sobrang tuwa ko sa iyo, lagi kitang kinu-kwento sa tropa
Akala nga nila ano kita at merong “tayong dalawa”
Dati tinatawanan ko pa sila, sabi ko’t natutuwa lang talaga ako sa kanya
Lalo na kapag nagku-kwento siya ng kinaiinisan niya, dinig mo talaga sa boses niya

Pansin ko na rin noon pa na natutuwa kang pag-trip-an ako
Kaya minsan inaasar kita na baka gusto mo lang talaga ako
Naalala ko ang reaksyon ng iyong mukha,
Ipaglalaban mong baka ako naman talaga ang may gusto sa ating dalawa
Pucha, kung alam ko lang na mangyayari ito
Sana sinabi ko noon na hindi iyon magandang biro

Pucha, kung alam ko lang talaga na mangyayari ito
Sana pala noon pa lang binigyan ko na ng malisya mga yakap mo
Lalo na iyong pabiro mong pagdikit sa dingding ng kwarto gamit ang braso mo
Sana pala noon pa lang kinilig na ako,
Hindi ngayong nababaliw ako habang inaalala ang mga ‘to

Inaalala ko ang mga ito, kasabay ng pagsabi mo sa aking espesyal ako
Iba interpretasyon ko, bigla kong naalala: Puta! Magkaibigan nga pala tayo.
At malamang espesyal ako, kasi nga kaibigan mo nga naman ako
Bobo lang ang magbibigay ng ibang pagpapapaliwanag pa

Ngayon alam ko na kung bakit maraming nahuhulog sa iyo
Pero hindi ko alam kung pare-pareho kami ng gusto sa iyo
Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nagkagusto sa iyo
Pero kung ako tatanungin mo, ayoko. Kasi nga, kaibigan mo lang ako.

Gusto kita, pero ayokong magkagusto sa iyo
Ito na ang huling pagkakataong mapapakalma mo ako
Sa paraang sasabihin mo sa akin na walang magbabago
Kakalimutan ko rin naman ‘to matapos kong ibuhos sa iyo

Pero sa ngayon iiyak muna ako sa iyo,
Iiyak muna ako hanggang sa mapaos uli ako
Tapos magtatawanan uli tayong dalawa.
Ikaw, dahil ako’y boses inipit na palaka
Ako, dahil isang daang porsyento akong tanga.

Huwag mong iisipin na sinabi ko sa iyo ito dahil gusto kong maging tayo
Oo, gusto ko, pero hindi iyon ang mismong pakay ko
Gusto ko lang talagang kumalma, at makahinga na
Para bukas, mabatukan ko na uli ang sarili ko’t makabalik na sa realidad

Realidad, na hindi ko naman talaga masasabi ito lahat
Na hanggang salamin lang ako at hindi ko ito maipagtatapat
Pasensya na talaga kaibigan, hindi ko kayang maging tapat
Matalik tayong magkaibigan at hanggang doon lang dapat.

Advertisements

2 comments

  1. Clarence L · · Reply

    At sa totoo lang! Solid! Naging magkaibigan nga tayo.
    Pero, huwag mong isipin na kinaibigan kita dahil sa rason na ito.
    Kinaibigan kita dahil natutuwa ako sa katulad mo
    Akalain mong pilyo rin pala ang tatahi-tahimik na ito.
    May libre pang payakap at palibre, pag napansin niyang malungkot ka
    Babanat pa iyan ng kanta kapag badtrip na badtrip ka na

    Hoy. Bakit ganon.

    Like

    1. Hahahaha! Bakit??

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: