Dulo

 

Hindi ko alam kung ako lang pero kakaiba ang habol ko sa kwento
Ako iyong tipo ng tao gusto nang malaman agad ang dulo
Pakiramdam ko kasi madali lang magpauto sa sasabihin sa simula,
Ang mahirap, ang umasang mangyari ang dulong nasa isip mo na

Dulo—matapos ng ngitian sa simula? May oo bang susunod?
Matapos ba ng pasimple kong haplos, tunay na yapos na ba ang sa akin ay itutugon?
Matapos ba ng ika-nga’y “pagkakaibigan” natin ngayon, magiging tayo rin ba?
Tulad ko, ako’y mamahalin mo rin ba?
Tayo’y magkakatuluyan din ba?

Mula sa ikaw at ako, paano nga ba nagsimula ang ‘tayo’?
Mula sa ikaw na hinahabol ang iba, at ako na naghahabol sa iyo
Mula sa tayong hinahabol ang kani-kanyang kaligayahan,
Natapos ang lahat ng pagtatago ng nararamdaman,
Heto tayo sa ako na nagtapat ng damdamin sa iyo,
Sa ako na ginigising mo tuwing umaga,
Ako na kinakantahan ka hanggang makatulog ka.

Heto na tayo sa ikaw na natutunang mahalin ako,
Sa ikaw na tumatapik sa pisngi ko araw-araw
Ikaw na nagpapatigil ng aking pagpalahaw

Heto na tayo sa tayong babalik-balikan mo matapos ng mahabang araw na nakakapagod Heto na tayo sa tayong masasandalan mo sa mga oras na duda ka sa sarili mo
Heto na tayo sa tayong hindi ka iiwan kahit ano pang gawin mo
Mahal, heto na tayo sa tayong magsisilbing kalayaan mo sa gitna ng napakalupit nating mundo

Saksi ang mga talang natatanaw sa bintana ng iyong silid
Ang kanilang kinang ang magsisilbing ilaw sa pagmamahalan natin
Saksi ang hinabing kumot at mga guhit mo sa dingding
Saksi ang dilim at ang bilog na buwan na pilit tayong sinisilip

Ito na ang pagkakataong gawin natin ang anuman ang ating ibig
Sa ilalim ng kumot, ating damhin ang init ng bawat halik sa ating mga bibig
Sa ilalim ng kumot, walang suot, ang saplot ay nasa sahig

Umuugong sa ligaya ang bawat magagaan na haplos
Hindi sanhi ang likido, o ng kung anong li na iniisip ninyo
Pag-ibig ang sanhi nito
Pag-ibig, ang dahilan kung bakit kumikilos tayo nang ganito

Ngayong gabing ito, puso’t kaluluwa natin ay isa, katawan natin ay iisa
Pag-indayog at bawat pagdaloy ng ating dugo ay iisa
Sa unang pagkakataon, nagtiwala ako sa kagandahang hindi ko taglay
Sa unang pagkakataon, ang hindi ko na maibabalik ay sa iyo ibinigay

Ibinigay… Parang hindi maibabalik na tiwala
Ibinigay dahil kampante na ‘ikaw’ ang pinagbigyan, at wala namang masama
Ibinigay dahil alam kong ang init ng pag-ibig ay magtatagal pa
Lalo na’t naging saksi ang buwan at mga bituin sa gabing tayo ay naging isa, pero anak ng pucha!

Ang init ng pag-ibig pang-isang gabi lang pala.
Ang akala kong matinding gabi’y may ititindi pa pala.
Matapos humulas ng init sa katawan, hulas na rin ang pag-ibig na naramdaman
Nanawa ka na ba sa mga yakap at matatamis kong mga ngiti?
Naumay na rin ba sa maiinit kong mga halik sa iyong labi?
Wala na ba iyong saya na ako ang sasalubong sa iyo gabi-gabi?
Wala na ba iyong ikaw na akin?
Ayaw mo na ba sa aking piling?
Sa iyo ba’y may iba nang umangkin?

Ilang buwang para tayong tangang tinataguan ang isa’t isa
Para tayong tangang tinataguan ang tanong na “tayo pa ba?”
Huwag mong sasabihing ayaw mong saktan ako, dahil bawat pag-iwas mo sa akin pakiramdam ko nilalaslas ako ng kutsilyong napapaisip rin kung ako pa ba’y nobya mo?

May saysay pa ba ito? Mahal mo pa ba ako?
May dahilan pa ba para kumapit ako?
May kinakapitan pa ba ako?
O unti-unti lang akong lumalapit sa bangin sa kakatakbo sa paghabol ng sagot sa tanong ko.
May nagawa ba akong mali sa iyo?
May kasalananan ba ako?
May iba na ba sa puso mo?
Sawa ka na ba sa pagmumukha ko?
Kulang pa ba ito?
Mali ba lahat ng ginawa konung gabing yon?
Kung iyon lang ang dahilan, pag-aaralan ko para sa iyo!!
Maibigay lang ang kaligayahang gusto mo!!
Pero hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman kung bakit kailangan kong umiyak gabi-gabi habang tinatanong ang sarili, ano bang mali at iniwan mo ako sa ere.

Iniwan mo ako.
Ilang buwan mo ‘kong pinag-isip.
Iniwan mo ako.
Para akong tanga sa kaiisip.
Anak ng pucha! Iniwan mo ako.

Iniwan mo ako at sabi mo’y dahil sagabal ako sa mga pangarap mo?
Sagabal ako sa pagkamit mo ng buhay na binubuo natin pareho?
Sinira ko ba ang konsentrasyon mo sa pagbuo ng kinabukasan mo?
Itinakda mo na ba talaga na wala akong parte sa kinabukasan mo?

Kaya iiwanan mo ako sa ere para paliparin ang mga pangarap mo?
Mga “pangarap” mo?
Sa puntong ito pala, hindi na pala ako ang pangarap mo.
Wala na nga pala ako sa pangarap mo.
Iyong bahay na dalawang palapag, ang tatlo nating anak
Burado ang pagbabakasyon natin sa Baguio.
Binura mo na rin ang alaala na sa Tokyo magra-ramen tayo.

Burado na ako sa pangarap na binuo natin ng tatlong taon,
Burado na ako sa puso mong akin ng tatlong taon
Talumpu’t anim na buwan, naggaguhan lang pala tayo
Inabot ako ng tatlumpu’t anim na buwan para malaman ang dulo.

Tunay ngang mas kapana-panabik ang dulo kaysa sa umpisa
Kung magbabalik man ako, sana pala tinanong ko na!!!
Magiging tayo ba sa dulo o paaasahin mo lang ako?
Magkakatuluyan ba tayo o itutuloy mo ang pangarap mo?

Gusto kong bumalik sa umpisa! Pagbalik doon, iiwasan na kita!
Wala nang dahilan parang ngitian ka’t maging magkaibigan pa.
Kung nalaman ko lang agad ang dulo, pangako, hindi na sana kita ginulo pa.
Hindi na rin ako magiging sagabal sa pangarap mong maikasal kay Miguel sa Amerika.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: