FIRST JOB INTERVIEW EVER

Nagpunta kami ng kaibigan kong si Aly sa Katipunan Ave. para pumunta sa isang walk-in interview ng isang tanyag na site sa internet, hindi ko na babanggitin kung ano.

Bilang mga probinsyana, iba talaga ang bigat sa dibdib pagpasok namin sa isang coffee shop sa Katipunan habang tinitignan ang iba pang aplikante. May mga naka-shorts, may mga nakapalda, may kita ang puson, mayroong may hikaw sa ilong. Iba-iba man ang kasuotan nila, may pinagkapareho silang lahat bukod sa conyo sila, lahat sila talentado. Lahat kami gustong makapasok sa tanyag na site na ito. Pero sa totoo lang, gusto ko lang maranasan kung paano ma-interview.

Alas-dos ng hapon nang papasukin ako sa isang parte ng coffee shop, nakaupo ang anim na manunulat at iba pang mang-aambag sa nasabing site.

Good afternoon daw. Ingles, eh ‘di kinailangan kong sumagot ng ingles kahit hindi ko alam kung tama pa ba ang mga sinasabi ko. Tinanong ako kung ano raw ang a-apply-an ko. Sabi ko manunulat o kaya potograper, kahit halatang hindi ako handa, punyeta!

Pinakita ko sa kanila ang portfolio na ginawa ko pa noong nakaraan na taon. Kabadung-kabado ako, alam ko kasi na wala akong pag-asa sa trabaho na ito. Tinanong din nila kung nagbabasa ba ako sa kanila, at tinanong nila kung anong article ang pinakanagustuhan ko. Hindi ako madalas magbasa sa kanila dahil madalas ako sa Thought Catalog, pero sa awa ng Diyos, may nabasa akong isang article mula sa site na iyon, at naintindihan ko naman siya.

Walang sinabi tulad ng gasgas na gasgas nang¬†“We’ll call you” kaya pakiramdam ko wala na talaga ako sa option nila. Pero hindi na iyon ang mahalaga, ang mahalaga nagpunta ako sa lugar na iyon, hinarap ang kinatatakutan ko at nakauwi ako nang hindi umuurong (AJA!).

Bale sa susunod, kailangan ko nang siguraduhin na handa at kumpleto ang gamit ko. At hindi porket probinsyana ako ay papaapak na ako. Aba naman! Hambalusin ko kayo ng CV ay!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: