Bakit nakakalungkot ang gabing ito?

I. Dahil pinakikinggan ko ang More to Life ni Tita Stacie Orrico.

Nakakalungkot dahil naaalala ko pa noong elementary ako, noong unang mapakinggan ko ito sa MYX. Naaalala ko noon na nosyon ko sa kantang ito ay tungkol sa dalagang hindi alam kung anong gusto niyang patunguhan sa buhay. Hindi ko akalain na matapos ng ilang taon, pakikinggan ko uli siya dahil bukod sa maganda iyong kanta, sa wakas, ramdam ko na lahat ng sinasabi niya. 

I’m always waiting on something other than this. Why am I feelin’ like there’s something I missed?

Natapos na ang ilang taong pag-aaral, bakit hindi ko pa rin alam ang gusto ko? Akala ko biro lang iyong testimonya ng mga tao na hindi pa rin nila alam ang gusto nila kahit nakatapos sila ng college. Totoo pala talaga siya, at nakakabaliw pala talaga siya. 

II. Dahil birthday ni Mommy pero wala akong nabiling regalo para sa kanya.

Tumatanda na rin si Mommy, pero hindi ko ramdam. Pakiramdam ko kasing edad niya pa rin iyong babaeng tinitirintasan ako bago pumasok sa eskwelahan. Pakiramdam ko kasing edad niya iyong babaeng kinikiliti ako sa tagiliran. Pakiramdam ko walang nagbabago kahit ilang taon ang lumipas. Pero ramdam ko na umiikli ang panahon naming magkakasama. Tapos tarantado pa ako.

Gusto kong yakapin si Mommy, iyong mahigpit, iyong tulad ng yakap na binibigay ko sa mga kaibigan ko, pero parang may hindi tama. Pakiramdam ko yayakapin ko pa lang siya papalahaw na ako. Grabe! Mahal na mahal ko mga magulang ko pero hindi ko alam kung paano ipapakita.

III. Dahil hindi na ako interesado sa mga bagay na dating pinagkakaabalahan ko.

Noong mga nakaraang taon, kapag ganitong oras nanonood ako ng KDrama o kaya eh K-Variety Show. Pero sa hindi ko malamang dahilan, wala akong amor manood ng kahit anong singkit ngayon, nakakalungkot. Dati umiikot ang mundo ko sa mapuputi’t makikinis na pagmumukha ng mga Koreanong sumasayaw at kumakanta, pero ngayon, ni magpatugtog ng kantang iba ang lenggwahe hindi ko magawa. Iyong mga bagay na nagpapasaya sa akin noon, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa ngayon. Nakakalungkot na sadya!

IV. Dahil nakita kong online siya pero hindi siya nagre-reply sa chat ko.

Alam ko naman na abalang-abala siya sa acads, pero ewan ko. Pakiramdam ko iniiwasan mong kausapin ako? O baka iniiwasan mo lang talagang makipag-usap sa kahit sinong tao. O baka ramdam mo lang talaga na may gusto ako sa iyo? Ayos lang, hindi ko naman tinatago. Susmiyo naman! Dalawang buwan mo na lang ako makikita sa school, hayaan mo nang abusuhin ko presensya mo. Abusuhin mo na lang din presensya ko. Dalawang buwan na lang naman hindi mo na masyadong makikita ang mukhang ito.

Pero alam mo sa totoo lang. Kahit gaano ka pa ka-busy, willing akong kulitin ka. Ewan ko, ikaw lang gusto kong kausapin ngayon. Gusto kitang kwentuhan. Gusto kitang amukan. Gusto kong mabasa mga message mo. Gusto kong may makaalam na kausap mo ‘ko. Gusto kong malaman kung sa akin ka lang ba ganito, o sa lahat ng tao ganito ka rin?

Marami akong gusto, at ikaw ang nangunguna doon, masaklap nga lang, walang tawiran ng bakod na magaganap. Matapos ng dalawang buwang pag-angkin ko sa iyo, babalik na ako sa katotohanang wala talagang tayo, at walang magiging tayo.

Pero may dalawang buwan pa ako, may dalawang buwan pa tayo. Chill lang ako, marami-rami pa rin naman akong iku-kwento sa iyo. 🙂

03/13/17 – 2:08 AM

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: