Tol

Uy tol! Tagal din nating hindi nakapag-usap nang ganito!
Alas nuwebe ng gabi, tapos dalawa lang tayo.
Bibili tayo ng asul na Pic-A nga kung tawagin mo.
Astig, Tol! Ngayon na lang ito! Nakaka-miss din pala ano?

Kailan na nga ba iyong huli? Noong isang taon pa ata?
Ay oo!! Nagti-thesis nga pala ako noong araw na iyon! Tama!
Nakwento mo ‘yong tungkol sa nagugustuhan mo
Iyong libro ng sikat na manunulat, gusto mong regalo sa pasko?
Naaalala kong niloko pa kita kasi alam kong nagpaparinig ka
Pero dahil utol kita, nasa isip ko nang bawasan allowance ko para mabilhan ka

Balak pa nating magtatlong bote noon
Pero hindi pa nakakabili pakiramdam ko lunod na ako
Lunod sa pag-iisip, lunod sa pagtatago, lunod sa kaba at puyat
Lunod rin sa kahihiyan! Kasi doon ko rin naisipang magtapat

Naaalala mo ‘di ba, iyong nag-aalinlangan pa akong magsalita.
Tapos nabanggit mo na dapat ang mga tropa walang tinatago sa isa’t isa
Nauto mo naman ako, kaya nagsabi na rin ako ng totoo
Totoo na nasasaktan ako kapag nalalaman kong may kausap kang iba

At nag-aalala ako kapag gumagala ka na namang mag-isa
Totoong handa akong samahan ka kahit sa impyerno ka pa magpunta
At totoong mahal kita talaga, bilang kaibigan… Sa totoo lang higit pa.

At dahil ngayon na lang uli tayo nagkausap nang ganito,
May itatanong ako sa iyo. Tol, ganoon ba kahirap sabihin sa akin ang totoo?
Umaasa ako na simpleng oo o hindi lang ang pamimilian ko
Umaasa ako na sasabihin mo sa akin ang totoo, dahil ganoon ang ginawa ko

Di ko naman inakalang tatawagan mo ako ng hatinggabi para sa mga kwento mo
Hating gabi, may mga nasasabi kang bagay na ikatutuwa ng puso ko
At alam mo ito, dahil sinabi ko sa iyo na ikaw ang nagpapaligaya ng puso ko
Hindi pa ba babala iyon na aasa ako, oras na sabihan mo ako ng Mahal mo rin ako?

O baka irasyonal na lang talaga ako, wala na ako sa katinuan
Hindi ko alam kung sinasabi mo ba ito bilang kaibigan
Pero alam mo ang nararamdaman ko, alam mong masasaktan mo ako
At nung sinabi mong mahal mo ako, hinintay ko ang depinisyon nito

At hindi mo ibinigay sa akin ito.
Ilang gabi akong parang baliw na kinukumbinsi ang sarili!!
Na baka nasabi mo lang iyon kasi nga may libro kang pinabibili
Pero dahil kaibigan kita, ni minsan hindi ako nag-isip ng masama
Pero napasama, dahil inisip ko na baka nga ako’y mahal mo talaga

Pinalipas ko ito,  ayokong lokohin ang sarili ko
Pero tol, bumanat ka ng espesyal ako sa buhay mo
Ba’t parang nung sinabi kong mahal kita?
Pinaramdam mo na pareho tayo ng nararamdaman sa isa’t isa?

Biglang inaabot tayo ng madaling araw na para bang gusto mo talagang kausap ako
tas nadayo ka pa sa bahay na sobrang layo sa inyo para lang makasama ako?
Dati simpleng apir lang at hawak sa balikat ang binibigay mo
Saan galing yung paghawak mo sa kamay ko?
Na para bang nobya mo ako.
Para kasing mali.
Pero bakit ko hinayaang pumuslit ang kamay mo sa palad ko?
Bakit ko hinayaang isipin ng makakakita na may relasyon tayo?
Baka kasi gusto ko?
Kasi akala ko gusto mo?
Kasi ang gulu-gulo mo!
Hindi akma ang sinasabi mo sa ginagawa’t tunay na ibig sabihin mo

Tol, sana nung una pa lang sinabi mo na wala na!
Hindi iyong may paghatid ka pa sa akin ng dis-oras ng gabi
Kasi nakakatakot ang daan at sobrang dilim na
Hindi iyong ipaparamdam mo na nag-aalala ka nang sobra
Hindi iyong ipaparamdam mo sa akin na pwede tayong dalawa
At magmumukha lang akong tanga kasi malalaman ko bigla na may mahal ka palang iba

Tol, inamin ko sa iyo lahat kasi ang alam ko maiiintindihan mo
Hindi iyon imbitasyon para paglaruan mo ang damdamin ako
Tol, hindi ako ganoon ka-bobo umintindi, sana sinabi mo lang sa akin agad
Ikaw itong bobong mag-explica, pero ako itong nagmumukhang may sayad

Akala ko ba dapat kapag tropa dapat totoo
Pero wala akong nakuha sa iyo kung hindi ang malabong sitwasyon na ito
Na mas malabo pa sa mga mata mo
Gayon pa man, sa wakas nalinawan na ako
Na kaya ka gago, at hinayaan mong magdusa ako nang ganito
Kasi ni minsan di ako naging kaibigan sa iyo.
Pero aaminin kong ikaw pa rin ang mahal ko
Pero anak ka ng tokwa, bahala ka na sa buhay mo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: