“COMM LAUDE”

Pangarap kong mag-Laude, sino ba namang hindi? Sino bang may ayaw? Sino bang hindi pinangarap kahit minsan na umakyat ng entablado sa kalagitnaan ng graduation program upang sabitan ng medalya habang binibigkas ang pangalan mo na may “Cum Laude” na kasunod?

Pangarap ko talagang maging Laude, pero tulad ng mga crush ko ngayong college, hindi kami meant-to-be.

Bakit ko nga ba pinangarap maging Laude? Para may maipagmayabang? Para makapasok agad ng trabaho? Hindi. Pangarap kong mag-Laude dahil gusto kong patunayan sa mga tao sa paligid ko na gagalingan ko dahil pinilit kong kuhanin ang program na gusto ko. Gagalingan ko!! Pinilit kong mag-comm, kaya papatunayan ko.

Ayaw ni itay na mag-ABComm (AB Communication) ako. Wala raw sweldo sa ganito! Mag-accountancy o engineering na lang daw ako. Pero matigas ang ulo ko! Gusto kong magsulat! Gusto kong nagsasalita sa harap ng maraming tao… kaso mahiyain ako. Oo! Mahiyain ako. Pero pagtuntong ko ng kolehiyo, lahat na ng klaseng entablado inakyatan ko. Oo, nahihiya pa rin ako, pero natutunan ko nang yakapin ang kahihiyan at tanggapin na hindi naman talaga tayo aanuhin ng mga salitang galing sa ibang tao, maliban na lang kung magpapapekto ka talaga.

AB Comm – Madali lang daw na program sabi ng ilang engineering students na nalalapitan namin, pati na rin ng ilang BA students na naging kaklase namin. “Tara na laang mag-AB Comm! Para puro english lang.” Gago ba kayo?

Sabihan kaya namin kayo ng “Tara na lang mag-Engineering, pwede namang gumamit ng calcu at nasa libro naman lahat ng kailangan mo at kailangang mong gawin. Hindi tulad sa comm na kahit nasa libro ang mga kailangan mong gawin, hindi mo pa rin mahahanap ng isang bagsakan ang lahat ng kailangan mo. Wala kang makikitang libro na nagpapakita ng isang bagsakang, script, resmats, at contact for interviewees.” O ‘di kaya? “Tara na lang mag-BA! Basahin natin lahat ng kailangan natin kasi recurring events naman ang nangyayari. Pwede ring gumamit ng calcu at jusq! Madali lang namang mag-balance!” —– Oh ‘di ba? Nakakainis! Kasi alam ninyo na hindi madadali ang programang kinukuha ninyo. Sa totoo lang, wala naman talagang madaling kurso! Nagkataon lang na natutuwa ka sa ginagawa mo kaya hindi mo na alintana ang hirap ng programang pinili ko. At huwag kayong magagalit sa sinabi kong nauna, hindi ko sinasabing madali ang kurso ninyo. At kahit kailan, hindi ko iisiping madali ang kurso niyo, ang mga kurso natin.

Walang madaling kurso?? Eh bakit nagkakaroon ng mga Laude? Sila ang mga taong may sinakripisyong isang bagay na mahalaga sa kanila, ang ilan social life, ang ilan pera (gastos sa acads siyempre), at madalas naman sa kanila, tulog ang sinakripisyo. Eh bakit naman may ibang wala nang tulog pero hindi pa rin Laude? Dahil hindi meant-to-be, ika-nga nila, ibinigay mo nang lahat, hindi pa rin sapat. Hindi dahil hindi ka karapat-dapat, pero dahil hindi talaga ito para sa iyo.

Napagtanto kong hindi para talaga sa akin ang pagla-Laude noong nagka-2.25 ako sa Communication Research noong second year ako. Sayang! Apat na sem na lang sana eh.

Iniyakan ko ang 2.25 na iyon, sobrang sakit dahil wala akong ibang inisip kung hindi ang mag-martsa na may bitbit na Cum Laude sa pangalan ko. Nawala ang pagsakal ko sa sarili kong leeg ng apat na semestre. Nawala, lahat nawala. Pero sa totoo lang pagkatapos noon, mas naging masaya ang pagiging kolehiyala ko. Nakalaya na ako sa paghigpit ng sakal ng sarili kong mga kamay. Hindi ko na kailangang talikuran ang lahat para maging highest sa mga quiz. Wala na! Wala nang dahilan para i-pressure ko pa ang sarili ko. Nakalaya na ako!

Pero habang naaalala ko na sana naging Cum Laude, nanghihinayang ako, pero hindi sa puntong hindi ko na mapapatawad ang sarili ko. Kung hindi talaga siya sa akin, wala na akong magagawa. At hindi naman pagiging Laude ang basehan ng pagiging matagumpay sa buhay, hindi naman porket hindi ka Laude, wala ka nang karapatang grumaduate. Graduation ang best reward mo sa buong college, bonus na lang ang Latin Honors.

At ngayon, taas noo kong ihinahahayag. Hindi man ako naging Laude, hindi ibig sabihin noon ay wala akng kwentang tao. Hindi man ako Laude, may napatunayan ako (kahit papaano) sa loob ng apat na taon. Kaya sa mga ga-graduate na may Latin Honors, congratulations sa inyo! Proud sa inyo ang batchmates, professors, classmates, magulang, katita-titahan, kanununuan, at mga ka-rehiyon ninyo. Abangan mo na rin ang tarpaulin na ihinanda ni Gov. at Mayor para sa iyo. Pero sa mga graduates na tulad kong mamartsa nang walang bitbit na cum laude  sa pangalan nila, nakuha niyo ang tagumpay na hinahangad ninyo sa kolehiyo. Wala mang pa-medal ang school sa iyo, may pa-diploma ka naman sa pamilya ninyo.

Advertisements

5 comments

  1. So proud of you, bebe! Congratulations nagbunga na lahat ng hardships and congrats din dahil natutunan mo yung mga importanteng bagay na mas magagamit sa real world! 😊😘

    Liked by 1 person

    1. Thank you so much, Ate! Hindi pa talaga ako ready. Hahahahah!!!! 😥

      Liked by 1 person

      1. Hahaha there’s no better way naman to prepare than to start na ❤ Kayang-kaya mo yan! ❤

        Like

  2. Congrats pa rin. 🙂 Success is not defined by grades. Cheers!

    Like

    1. Thank you so much po!!!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: