Graduate na Ako

Dalawampung taon, pinakatumatak sa akin ang pahirapan na panggigising sa umaga. Bata pa lang ako, pinipilit niyo na akong magising nang maaga. Pero dahil sadya akong antukin, mas gugustuhin kong humiga na lang kaysa pumasok… Kinder ako noon, dumating ako ng college ganoon pa rin. Ang sarap kasi talagang matulog.

Dalawampung taon, paano ninyo kinaya iyon? Mula Kinder, hanggang college nasustentuhan niyo pangangailangan ko. Natiis niyo ugali ko. Sobrang astig ninyo hindi ninyo deserve ang ganito klaseng anak. Pinipilit ko madalas ang gusto ko, at lagi akong nangangatwiran sa inyo pero hindi kayo nagdadalawang isip na sabihin sa lahat ng tao na ipinagmamalaki ninyo ako. Kahit inis na inis kayo sa akin kasi hindi ako naghuhugas ng pinggan, tapos lagi akong si mamaya. Mahal na mahal niyo pa rin ako!

Kahit minsan aaminin ko na naiinggit ako sa ibang mga tao na ka-close iyong mga magulang nila. Minsan iniisip ko, kailan nga ba nagsimula iyong naiilang akong yumakap at humalik sa inyo, bigla kong naalala na ni minsan kasi talaga hindi natin ginawa iyon. Pero mahal na mahal ko pa rin kayo kahit hindi kokayo masyadong nayayakap. Mahal ko ap rin kayo kahit madalang na tayong magkita. Mahal na mahal ko kayo. Kahit sinong kpop artist pa ang sumikat, at kahit anong indie group pa ang umusbong, kayo pa rin ang number 1 idol ko.

Para sa inyo ag diploma na ito! Matapos ng ilang taon, tulung-tulong na tayo sa karangyaan na hinahabol ninyo. Mahal na mahal ko kayo!

 

_DSC4454

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: