Kilig na Walang Feelings

isa sa pinakamalaking pagkakamaling ginawa namin noong araw na iyon ang umuwi nang alas singko ng hapon. Dahil malapit lang sa highway ang aming unibersidad, langhap na langhap namin ang usok at buhangin habang naghihintay ng jeep. Ngunit matinding gulat ang naramdaman namin paglabas na paglabas ng gate. Mas matindi pa sa gulat ng mga kakilala ko nang malamang hindi pa ako nagkakanobyo (lul). SOBRANG HABA NG TRAFFIC! Seryosong hindi gumagalaw ang mga sasakyan, kaya naisipan naming maglakad mula Makiling hanggang Real (5.6 km).

Sa proseso ng alay lakad namin, napag-usapan ka namin ng ilan kong mga kasama. Ang ilan tinatanong kung may gusto ba ako sa iyo, siyempre tumanggi ako. Ika-nga nila “Akala ko naging kayo. Or nagka-something kayo.” Tumawa ako na para bang sobrang tanga ng ideya na iyon, pero sa totoo lang, natatawa ako dahil sa tuwa. Tuwa na sa mata ng ibang tao, naging tayo nang hindi natin nalalaman.

“Akala ko nagkagusto ka sa kanya?” Tama naman.
“O baka siya ang nagkagusto sa iyo.” Sana nga.

Sana nga nagkagusto kami sa isa’t isa, hindi iyong pinapahirapan ko ang sarili ko ng ganito. Sana nga ano? Tama naman sila sa una eh? Sa pangalawa kaya?

Nagtuloy pa ang kwentuhan, at kami’y nagtatawanan. Kesyo bagay raw tayo at huwag ko na raw itangging may gusto ako sa iyo. “Tanga! Wala akong gusto doon. Tropa kami noon!” Naalala ko ang tingin nila sa akin noon “Ah! So tropa-tropa-chill lang talaga kayo. Walang taluhan?” Natatawa ako, hindi ko alam kung sarcastic ba ang pagkakasabi sa akin nito. “Wow! Galing talaga magtago!” Parang hindi naman, nahalata niyo nga eh.

Pero tinanong nila sa akin kung kinikilig daw ba ako kapag lumalapit ako sa iyo, at kung minsang inaasar tayo. Sabi ko, “Oo, pero walang feelings” Ang gago ‘di ba? Kilig na walang feelings, hindi pwede iyon. Kaya ka nga kinikilig dahil may naramdaman ka. Kinilig ka dahil may nararamdaman ka. Kinikilig ako dahil oo, may nararamdaman ako. Ayoko nang makipaglokohan pa sa sarili ko. Tama na ang mapanloko mong mga sagot sa mga matitinong tanong ko. Tama na.

Para sa konklusyon, hindi ka maaaring kiligin nang walang feelings. Para kang tanga, kilig na mismo, iyon na nag mismong nararamdaman mo. Huwag nang maglokohan, nakakagago pala ito. Minsan talaga pinapanalangin ko na sana pala hindi na lang ako nagkagusto sa iyo. Sana tropa pa rin tayo. Pero tropa naman talaga tayo, na may tinatago iyong isa. Mawawala rin naman ito, wala na iyong kilig, siguro makalawa, feelings na iyong wala.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: